pagkatapos ng araw na 'to, na matatapos na in 48 minutes, may tatlong araw na lamang ako sa opisinang ito. sa loob ng tatlong araw na iyon, kailangan kong mag-attend ng hearing, i-withdraw ang appearance ng firm dun sa pro-bono case na ipinasok ko, tapusin ang mga time-billing ko, gumawa ng status report sa lahat ng kaso na nahawakan ko, at mag-draft ng isang formal offer of evidence. kailangan ko din makapagpakuha ng isang damukal na ID pictures, pumunta sa NBI para makakuha ng clearance, at tapusin ang isang milyon at isang requirements para sa bago kong trabaho.
nung una, parang kay layo pa ng october 1. sinong mag-iisip na bigla na lamang siyang andyan at bubulaga na siya sa akin sa biyernes.
may nagtatanong, bakit di ka muna magpahinga. sana nga pwede, kaso hindi ko afford mawalan ng trabaho kahit isang araw. may humingi din ng extension, kaso, super extended na ako dun sa lilipatan ko. it feels so nice to be needed, pero alam ko, it's not me, it's just that there's no one else -- yung bago kong trabaho, naka-maternity leave yung isang abogado, dito naman, isa na lang yung matitirang associate.
ma-mi-miss ko silang lahat dito. mababait ang mga boss ko, mabubuting mga tao. ang dami kong natutunan sa kanila, marami silang itinuro sa akin. siguro, sa unang pagkakataon, mahihirapan akong tumalikod, dahil, nasabi ko na nga, pangarap ko to ng napakatagal na panahon.
paano nga ba tumalikod sa pangarap?
nung una, parang ang dali, ang exciting naman kasi. bagong trabaho, bagong buhay, bagong lahat. ako lang yung luma. pero ngayong tatlong araw na lang bago magbago lahat, parang natatakot na ako. magigising ba ako ng maaga? magaling kaya ako sa corporate law? exciting nga ba talaga ang intellectual property law? sana, no, may mga sagot na dumating sa panaginip ko. kaso alam ko namang kahit matulog ako mula ngayon hanggang biyernes, hindi dadating ang mga sagot sa panaginip. mas malaki pa yung posibilidad na yung crush ko mapanaginipan ko kesa sa masagot ang mga takot ko.
gusto ko tuloy sabihin, Lord, pwede ba ang rewind? kaso lang, kung pwede ang rewind, eh di ni-rewind ko na din to the time na hindi ako pumasa sa bar. or, dun sa panahon na inaway ko ng bonggang bongga yung gwapo kong boyfriend. pero walang rewind, walang do over. yun ang nakakainis sa panahon, parating isang direksiyon lang. tipong tricycle, walang reverse.
pero siguro, maganda din yun. after all, kung paulit-ulit ang nakaraan, paano ka din makaka-move-on, diba?
Monday, September 27, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 said hello!:
Post a Comment