tanda ko tinanong niya makalipas ang ilang buwan: binasa mo na ba? may epekto na ba? kamusta na ba ang lovelife mo? ayaw ko man masayang ang kanyang pera, kailangan kong umamin -- ganun pa din po. translation: wala.
hindi ako magdududa kung next year ay biglang mag-sneak in na lang siya sa bahay ng isa niyang kaibigan at nakawin yung novena na ginamit upang makapag-asawa at the age of 65. oo, hindi yun typo. yung kaibigan niya nag-novena and *boom* nagka-papa at 65. siguro pag desperado na yung lola ko, baka nakawin na niya. (at siguro, pag-65 na din ako, o sige, yung totoo, pag-40 na ako, baka ako na mismo ang mag-nakaw ng novena. mwahahaha!)
minsan tuloy napapaisip ako, ano ba ang mali sa akin? cute naman ako. matalino. mabait (paminsan). marunong magluto (slight). mataba nga lang (yes, tanggap na tanggap ko na, obese II ako, huhuhu.) pero hindi naman siguro yun deal breaker diba? (at ano ngayon kung deal breaker siya. papayat din ako. diba cristine?
kahapon, magkausap kami ng isa sa mga matalik kong kaibigan. sabi namin, may value pa ba sa pagpapakipot? dapat pa ba talagang itago ang nararamdaman mo sa kaibuturan ng iyong puso at daanin sa dasal na sana mapansin ka ng napupusuan mo? hindi nga ba talaga dapat na kahit paano, kahit ever so slight ay medyo gawan na ng paraan ang mga bagay-bagay sa mundo. ayon nga naman sa kanya, not all girls can say that they have someone absolutely acceptable perfect in their lives, albeit in the form of a friend. kaya pag meron ka na nung taong okay na, mahal mo pa, eh, gawan mo na ng paraan.
ayon nga sa mga tinuro sa atin sa pilipino nung bata pa tayo: nasa tao ang gawa, nasa diyos ang awa.
oo nga naman. sa dinami-dami ng mga naging kaibigan ko sa buhay ko, hindi naman sila lahat, dapat mahalin. kaya kung may isang super worthy ng love, attention, affection at talagang perfect genetic material for your future spawn, eh baka nga panahon nang ipa-isang tabi muna ang dalagang pilipina mode at gawan na ng paraan.
kaya inisip ko. ngunit kahit gaano ko siyang ka-crush, kahit ilang taon na akong nagpapacute sa kanya, kahit na sasama ako sa kanya sa sandaling ayain niya akong magpakasal (mwahahaha!!!! as if. kailangan niya munang siguraduhin na jimmy choo yung wedding shoes at kita sa malayo ang engagement ring!), hindi ko yata siya kayang i-style-an.
so kahit na nag-panggap akong gusto kong mag-apply sa san beda law school para maka-chicka yung isa kong crush dati sa opisina (na naging bf ko dahil sa, *boom* na-i-style-an ko nga siya), at kahit na nag-pretend akong i-se-set-up ko sa kaibigan ko si pilot ngunit naging bf ko din, kahit na ako din yung babaeng nag-basa ng kafka para magmukhang intelektwal sa mata ng isang co-teacher ko dati, at the end of the day, iba na ako ngayon.
at iba din siya. because he's more than just a little crush, he's my future.
naks naman. so dramarama.
3 said hello!:
you will find someone you truly deserve. someone who will love you no matter what you are... let love find you rosa. :) im sure you will meet him someday. :) - trisha
hahaha! you know my stand on this one. just don't quote me to our mutual friends. ;) seriously, there's a proper way of doing it, i guess. kung ano yun, don't ask me. i won't give any advice because i know i'm not credible. but i can assure you that you have my full support when it comes to him, which, come to think of it, e kelan ba huling nangyari? ;)
thanks trish.
g, wow full support!!! excited ako dun ha. then again, when it comes to this person, nyak, i'm like so wilting pechay. naubos na ang the moves ko. kaya magpapapayat muna ako. and who knows, mabibighani na lang siya sa maliit kong bewang. hahaha!
Post a Comment