Thursday, September 09, 2010

the ex factor

sa (dati) kong mahal na ex-boyfriend,

oo, alam ko na gwapo ka. aaminin ko na sa aking mga ligaw na panaginip ay naiisip ko pa rin kung gaano ka-cute ang mga anak natin kung nagkatuluyan tayo.

at, oo, fabulous ka. feeling ko talaga prinsesa ako pag nakasakay ako sa napakagara mong auto and kapag ka-holding hands kita sa mall. mataas ka. maporma. agaw pansin. kaya't kahit na alam kong super cute ako (wag nang kumontra ☺☺☺) ay alam ko din na pag may nakakakita sa atin dati, iniisip nila ay, mahal ni God si sister. wagi.

yes, wagi ako. at kahit na inutangan mo ako at hindi mo na ako binayaran muli (kainis, pangbayad yun nung bar petition ko) at kahit na medyo certified na from a psychologist na hindi kita dapat i-consider muli, minsan naiisip ko pa din na it doesn't get any better than the time we spent together. ay, bitter-bitteran po. pero, keber. kahit na ano sabihin ng iba, medyo mahirap ka palitan. at kung magiging totoo ako sa sarili ko, kahit na limang taon na mula nung naghiwalay tayo ay hindi pa rin kita napapalitan. yung mga ni-date ko ... hay, hindi sila counted.

pero, ipasangtabi mo lahat ng mga sinulat ko ngayon. kasi isipin ko man ang lahat ng nasa-itaas, ay may nakakalimutan ka pa rin tuwing tatawagan mo ako out of the blue:

una, hindi mo na ako girlfriend.
pangalawa, hindi mo din ako abogado.
pangatlo, hindi tayo magkaibigan.

kaya, bawal ang favors, bawal ang free legal advice, at bawal pumunta sa bahay ko.

at kung kailangan mo ng abogado, may acceptance fee po ako at by the hour ang billing ko.

that said, my dear ex-boyfriend, yung tawag niyo po kaninang umaga ay P500 na po.

ang iyong nakaraan,

rosa

2 said hello!:

The Gasoline Dude said...

LOL! Pinipigil ko tawa ko dito sa opisina dahil sa post mo.

commuter said...

haha! like like like! lol!

Related Posts with Thumbnails