bata pa lang, hindi na ako payat. take note, hindi ko sinabing mataba, kasi hindi naman ako masasabing mataba, ngunit hindi rin ako yung batang payat na mahirap pakainin. sabihin na lang natin na katamtaman yung katawan ko.
kaso lang, mahilig ako kumain. at yung genetic material ko, well, wala rin akong kamag-anak na payat. ang masama pa dun, bilugan ang mukha ko. kaya kahit payat na ako, bilog pa din ako.
sadness, diba?
tapos, nagkasakit pa ako, inoperahan, binigyan ng gamot, at yun, talo ko pa yung lobo sa paglaki. it's as if nilagyan ako ng helium at unti-unting lumaki hanggang sa kulang na lang ay pigilan ako kumain ng aking ina.
eto, tingnan niyo -- may visual aids ako for your reference and perusal.
diba, medyo kadiri levels na siya. yung picture, kayang ayusin sa photoshop. pero yung self-esteem ko, hindi kaya. i'll need something more powerful than a computer program.
at, kung hindi pa sapat yung namumutok kong pictures nung bakasyon, kanina, dumaan ako sa isang clinic para sa pre-employment check-up. habang nag-susulat yung doktor, binasa ko yung chart sa kanyang opisina. may levels: normal, overweight, obese I and obese II. nung una, inisip ko, siguro overweight, at the most, obese I. isipin mo na lang yung laking gulat (at lugmok) nang mabasa ko na obese II ako for my height and weight.
ayan po, isang visual aid muli, letrato ng isang obese II ayon sa height and weight chart ng doktor.
at, ayon din sa chart, kailangan kong mawala ang 50 to 70 lbs para ako maging normal. hmmm, yun yung timbang ko pagka-graduate ko sa college at sobrang cute. ngayon, medyo cute na lang, at mataba pa. hmph.
pero, dahil mahal ko ang sarili ko, at mahal ko din yung crush ko (yihee!), may resolution na ako. at this time, wala nang atrasan, totoong buhay na.
magpapapayat na ako. para normal ang weight ko. para maging extra cute muli ako. at, malay natin, para mapansin na din ako ng crush ko. (yihee muli!)
kaya, cristine reyes, alam ko, twelve years younger ka sa akin. at alam ko din na ikaw ang top 1 sa FHM 100 hottest last year. pantasya ka ng kalalakihang pinoy.
sa cuteness level, sige, lamang ka na din kasi may dimples ka. pero maganda din naman ang resume ko. at hindi ako sexy star, so malamang, hindi ako magkakaisyu sa pamilya ng crush ko (yihee for the third time) pag ipinakilala nila ako sa kanya. kaya maghanda ka na. papapayat din ako, at magiging sexy tulad mo. and who knows, baka maging karibal mo na sa FHM top 100 next year.
handa ka na ba?
2 said hello!:
hehe. funny post. But i also feel for you. no matter how we want to take things lightly, truth remains na seryoso talaga ang mga bagay na ganito. hehe.
oh well... basta masaya pa ring kumain. hehe...at masaya ring mag-exercise!
Let's support each other. para sa next trip natin, di na mag photoshop si kuya ef sa mga pics natin. hehe
We can do it!
yes ... but after thursday's party. hahaha.
i wish i were one of those who are thin by way of dna, but if ganun mangyari, perfect na tayo, so okay, i'll settle with a few (more than a few, actually) additional pounds.
Post a Comment