Monday, September 13, 2010

bati na ba tayo?

konti lang may alam nung iniyakan kita. kasi naman, to begin with, konti rin lang naman may alam tungkol sayo. at dahil konti lang ang may alam, at may press release ako na best friends tayo nung mga panahong iyon, siyempre, it was in my best interest to make it appear as if everything was fine and dandy between us.

salamat at gabi ang trabaho mo -- hindi kita kailangan makita parati. at salamat din na pag nakikita kita, baranggay ang kasama natin -- maliban sa hi at hello, hindi na kita kailangan kausapin. sapagkat aminin ko man o hindi, na-mi-miss din naman kita.

kaya nung magkita tayo muli, at sa aking wild imagination ay parang masaya kang nakita mo din ako, kinausap kita. sinabi ko na may bago na akong trabaho. ni-congratulate kita sa promotion mo. kinantyawan pa nga kita na manlibre ka naman. nakangiti ako kagabi. pati puso ko nakangiti din.

sapagkat hindi mo man naramdaman o naisip, halos dalawang taon din akong nainis sa yo at sa ginawa mo. at kagabi -- siguro dahil matagal na yung nangyari, o dahil masaya lang talaga ako these days, masasagot ko na yung tanong sa itaas --

oo, bati na tayo.

5 said hello!:

The Gasoline Dude said...

Me bago kang work? Saka sino 'to? Hehe kwento naman d'yan!

roxy said...

yes may bago na akong work ... will start on october 1. and di mo kilala tong tao na to ☺ ibaon na lang siya sa limot, hahaha!

The Gasoline Dude said...

Wow! Congrats! Another law firm?

Hindi pwede ibaon sa limot kasi bati na pala kayo eh. = P

JONI said...

Kakilig =)

roxy said...

may ganun? hahaha. nope, not a law firm. this one's great, so i wouldn't leave it unless it were in another industry :)

hello, Joni!!! welcome to my blog!!!

Related Posts with Thumbnails