kamakailan lang, binuksan na nila ang skyway hanggang sucat. ang bilis talaga ng taon -- parang kailang lang na nabasa ko na magbubukas banda december 2010 ang skyway at napaisip ako ng "ngek, ang tagal pa nun!" tapos ngayon, ayan na siya. di ko naubos maisip na ganun-ganun lang lilipas ang 2010.
ang daming nangyari sa akin. madaming masaya, madami ding hindi. tulad nung isang kaibigan na hindi ko na kinakausap ngayon. tulad din ng perang nasayang dahil ninais kong mag-tipid sa gown. at wag na nating pag-usapan ang walang-kwentang tubero na kaaway ko na din ngayon. lahat ng yan, dapat ipagpasa-diyos ko na lang. at isipin ko na mamayang gabi, pag-dating ng alas-dose, bagong taon na.
at dahil bagong taon, bagong buhay na. diba yun yung lyrics nung kanta?
kaya, heto ang mga new year's resolutions ko para sa darating na taon. kung matupad sila, eh di mabuti. kung hindi, walang basagan ng trip. bakit, kayo ba ang mananatiling mataba? hindi naman diba? kaya yun.
o, heto na sila:
1. magpapayat
siyempre, napakawalang kwenta ko namang matabagang tao kung hindi ko papangaraping maging payat. aba, wala naman sigurong gusto na mahirapan bumili ng damit, o kaya hingalin ng bonggang bongga tuwing umaakyat ng mrt.
and so, kahit na ilang taon ko nang sinasabi na papayat ako, eto, totoo na talaga (then again, don't forget to read the disclaimer written above!). wag ka -- isinama ko pa siya sa discernment ko nung day of prayer ng mga lingkod sisters last 27 december 2010.
ganito yun: kailangan kong pumayat ng 50 lbs. para hindi na ako obese. ay, correction, obese II pala. ayon sa aking computations, i would have to lose 5 pounds for the first two months of the year, tapos, 4 pounds starting march. that's just one pound a week. siguro naman carry ko na yun.
isipin ko na lang na napag-aral ko ang sarili ko habang nagtratrabaho. nag-review ako sa bar habang nagtratrabaho. marunong akong umakyat ng bakod, gumamit ng drill, at gumawa ng gripo. suguro naman kakayanin ko ang pumayat ng 1lb. a week. aba, kung hindi pa, ang loser ko na.
2. moratorium sa pagbili ng damit
dahil papayat ako, bawal din muna bumili ng damit. read: muna. ibig sabihin nun, pag medyo pumayat-payat na ako, pwede na bumili. pero hindi masyado kasi 50lbs. ang target ng inyong abang lingkod. halos isang bata na yun. isipin mo mawalan ka ng isang bata. aba, malaki-laki din yun. kaya bawal mag-shopping.
3. matulog ng 7 hours each night
may nabasa ako, pwede kang pumayat basta matulog ka lang ng 7 hours each night. ni-try ko gawin yun, kaso, mahirap pala. as in. pero sa 2011, dahil gusto kong pumayat, gagawin ko yun. imagine mo, sarap na ng tulog mo, papayat ka pa, di ka antok-antok sa office. winner, diba? ka-level yan ng pasko na, birthday pa.
at eto pa pala ang bonus -- pag nakatulog na ako ng 7 hours each night, magagamit ko na din regularly yung kiehl's midnight recovery concentrate na napanalunan ko from frances last august. nabasa ko kasi that it wouldn't work as much kung hindi rin naman ako matutulog ng tama. so, papayat na ako, gaganda pa ang balat ko. aba, pag nangyari na yan, wala nang kalaban-laban yung crush ko. wahehehe.
4. wag masyadong magtipid
oo, tama ang nabasa mo. kung akala mo nagloloko lang ako, eto pa siya ulit: wag masyadong magtipid. na-realize ko kasi na baka sa katipiran ko, lalo pa akong napa-gastos.
tulad nung sa gown na na-doble ang pagpapagawa ko dahil chipangga at walang kwenta yung unang manang na nag-tahi.
tulad nung bidet ko na bonggang-bongga din yung tulo after just one week.
tulad nung mga bagay na binili ko dahil mura ngunit di ko naman pala ganun ka-gusto.
sasabihin ko sa aking sarili: rosa, hindi porke mura, okay na yan. okay lang gumastos. okay lang mahalin mo ang sarili mo. (at okay din aminin sa tatay mo pag gusto mo na siyang i-take-up on his offer to send money sometimes). at pag gusto ko talagang i-justify ang pag-bili, i can always tell myself that i'll be helping the philippine economy by shopping. sabi yun ni winnie monsod sa unang hirit. promise.
5. maging malinis sa kapaligiran
okay, parang di ata masyado maganda yung translation. ang gusto ko lang sabihin, keep the house clean. napaka-windang levels na maglinis the day of a party. or yung magpaliwanag ka all the time kung bakit madumi yung bahay mo. ngayong taon na to, bawal na magkalat. bawal nang hindi mag-ayos. bawal nang ipagpaliban ang maaaring gawin agad. todo na to.
after all, paano ako dadalawin ni prince charming sa bahay ko pag hindi ko siya mapapasok dahil parang dinaanan ng tornado ang gamit ko?
o, ayan na. lima lang. limang reasonable na resolutions. limang resolutions na super loser ako pag hindi ko magawa. pustahan tayo, kakayanin ko yan.
at kung hindi, eh di keber. usap na lang tayo ulit next december 31 pag nagsulat ako ulit ng resolutions.
maligayang bagong taon! sana ay maging puno ang inyong mga lamesa ng pagkain, puno ang mga wallet ng pera, at puno ang puso ng pagmamahal.
Friday, December 31, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 said hello!:
Post a Comment