hindi ko malilimutan ang unang beses na narinig ko ang tungkol sa iyo. nasa opisina ako, nag-re-research sa lex libris nang biglang tumunog ang aking telepono at nakita kong tinatawagan ako ng boss ko.
sa loob ng ilang segundo bago ko sagutin ang telepono, maraming dumaan sa aking isipan, isa na doon ang tanong kung bakit ako tinatawagan ng boss ko gayong nasa estados unidos siya at nagbabakasyon. yun pala, may gusto lang siyang itanong -- okay lang daw ba sa akin i-set-up sa pamangkin nung kaibigan niya.
aba, bakit hindi po, ang sagot ko. hindi na ako nag-isip, siyempre. hindi ito dahil desperado ako (kahit na totoo ito minsan) ngunit dahil boss ko ang nagtatanong. mahal ko ang trabaho ko -- pag nagtanong, malamang oo ang parating sagot ko.
ngunit dahil nasa ibayong dagat ka at nandito ako sa pilipinas, inisip ko, malabong mangyari ang set-up. pero, ganun pa man, ni-research kita sa google. ako pa. magaling ako mag-stalk sa google. itanong mo pa kay tita mayu. marami kaming nahanap na katotohanan (o, more accurately, pruweba ng kasinungalingan) dahil sa aking google stalking/researching skills. at wag ka, nakakita ako ng letrato mo. ayan ... patas na tayo, alam ko na ang itsura mo.
makalipas ang ilang taon -- ang ilang taong mistulang panliligaw ng iyong tiyuhin upang bigyan kita ng "chance" -- ay nagkita na tayo. nagulat ako sa aking sarili sapagkat natuwa akong kausap ka. medyo nahirapan man akong mag-inggles ng ilang oras, masaya ka kwentuhan ng mga bagay-bagay, kasama na dito ang aking adiksyon sa hamburger helper at ang aking pangarap makapunta sa black friday sale. nagulat din ako sa aking sarili nang sumama ako sa iyong pamilya nung iyong huling araw dito sa pinas. nabuyo man ako ng sobrang daming kantiyaw, okay na. at least narating ko ang mt. samat at las casas filipinas.
ngayon, sa email na lang tayo nag-uusap. naiinis man ako dahil masyado kang madalang mag-email, okay na din. kasi, kahit gaano akong natutuwa kausap ka sa totoong buhay, hindi ko alam na kahit lumaki ka sa US at hindi na maaaring tawaging bagets, ay may bahid ka ng pagka-jejemon.
hmph.
sumasaiyo,
0 said hello!:
Post a Comment