gosh ... ang haba ng hair ko diyan. literally.
dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang putulin ko ang buhok ko. ilang linggo na lang, feeling ko, baka pwede ko na muli siya itali. iniisip ko din na siguro, bago ikasal yung kaibigan ko sa 15 december, hindi na rin siya masyado fluffy. normal fluffy na lang siya. at saka siguro, pagdating ng pasko, sanay na ang madlang people na makita akong maikli ang buhok.
parang weird yung pakiramdam ko talaga sa short hair ko. nakakatuwa na madaming natuwa sa kanya ... madaming nagsasabing mukha akong bata (dahil ba kamukha ko na si dora the explorer), madaming nagsasabing bagay siya, at madaming na-i-impress na naipaputol ko yung ganung kahabang buhok.
pero inasmuch na madaming natutuwa, madami ding nagulat, nanghinayang, at nagpahiwatig ng bewilderment kung paano ko nagawa ito sa sarili ko.
oo nga naman, siopao na nga, lalo pang pinagmukhang siopao ang sarili.
then again, madaling sabihin sa sarili, hoy lola, tutubo din yan. at saka madali ding isiping wala akong choice nung mga pahahong iyon.
pero, gosh, pag nakikita ko yung dati kong buhok, at maayos siyang tingnan sa picture, napapaisip na din ako, bakit ko ba siya ginupit.
Tuesday, November 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 said hello!:
Me problema daw sa lablayp kapag nagpapagupit. = P
i haven't seen you in person with your short hair but from the pics, i can tell, bagay naman. ;)
gasul -- MGF? wala, walang lovelife kaya walang pro=problemahin. hahaha.
studentdriver -- thanks thanks :) humahaba na siya unti-unti :)
Post a Comment