malamang napanuod niyo na ang valentine's day. malamang din madami kayong balak panuorin na mga sine sa susunod na mga araw, linggo, at buwan. ako nga, excited na sa SATC2. nakita ko yung trailer kagabi, ang ganda.
pero hindi yun ang pag-uusapan natin. gusto ko sana kayo imbitahin manuod ng sine, tagalog nga lang. oo, alam ko, hindi kayo mahilig manuod ng tagalog. siguro dahil baduy, o dahil yung kwento, ginaya lang sa sineng napanuod mo na dati. may mga dahilan ka, at naiintindihan ko yun. pero, pramis, ibang sine 'to. pramis, hindi ka mahihiya panuorin. pramis din, sulit ang ibabayad mo. kasi, john lloyd - bea kaya na sine 'to.
malamang kinilig ka sa rain dance at sa power hug. sa pagkakaalam ko, madaming nawindang sa tambalang john lloyd - sarah. mahal ko man si john lloyd at mahal ko man si sarah, mahal ko silang hindi magkasama. nasabi ko na nga dati, parang hindi kasi totoo, masyadong pantasya para sa akin. at siguro, biased lang ako sa tambalang john lloyd at bea. bagay sila eh.
kaya kung isa lamang ang balak mong panuoring pelikulang tagalog ngayong taon na to, panuorin mo na ang Miss You Like Crazy. (kung gusto mo naman dagdagan, panuorin mo na rin ang dvd ng Now That I Have You, Close to You, at One More Chance. oo, fan ako ng john lloyd - bea, may reklamo? *peace*) kasi, kung gusto mong kiligin AT maniwala sa pag-ibig na wagas, sa pag-ibig na tatagal, sa pag-ibig na gusto mong mangyari sa sarili mo, eto ang sineng dapat mong panuorin.
simula pa lang, unang tingin pa lang ni john lloyd kay bea, lahat ng pagka-cynical ko nawawala. isang ngiti lang ni bea kay john lloyd, bumabalik ang pag-asa na isang araw din, may ngingitian akong mahal na mahal ko. siguro, yun ang misteryo ng tambalan nila. lahat posible, lahat may laban.
sabi nila may mga bagay na sa sine lang pwede mangyari. ganun din dito. may mga panahon na mapapailing ka, sasabihin mo sa sarili mo, pwede ba naman yun? pero dahil si john llody ang bidang lalaki at si bea ang bidang babae, maniniwala ka. at aasa ka sa kasibihang life imitates art (o, art imitates life ba? naku, di ko maalala). aasa ka na kung nangyayari ito sa dalawang taong tulad nila, siguro, pwede din mangyari sa isang mortal na tulad mo, na tulad ko. maniniwala ka na habang may buhay, may pag-asa.
ang galing ng sine, kasi yung mga linya, mga bagay na naiisip mong nasabi mo minsan sa buhay mo. yung mga nangyayari, mga bagay din na pwede mong pag-daanan. kasi, sino ba namang hindi nagmahal sa maling panahon? sino ba naman ang bigla na lang napalayo sa isang taong akala mo, pwede sana sa buhay mo? hindi ba't naranasan mo na din makasama ang isang tao na parang kulang ang isang gabi dahil swak na swak kayo?
bago pa may masabi ako na hindi mo dapat malaman, manuod ka na lang. february 24, 2010 ngayon, today's the day, panuorin mo na.
at malay mo, mahanap mo din ang august ng buhay mo.
p.s. napakaganda ng pelikula. salamat vanessa, magaling ka talaga mag-kwento. salamat, direk cathy, pinakilig mo ulit ako. at salamat john lloyd at bea, ngayon, gusto ko na ulit umibig.
Wednesday, February 24, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 said hello!:
Love your blog on MYLC! Indeed, watching this movie makes one believe in destiny! And who better than John Lloyd and Bea to act as lovers in this perfectly imperfect love story!
thanks so much for the compliment :)
don't you just love the movie? watching it again this weekend with friends. i hope they love it as much as i do :)
thanks for the review...cant wait to watch it too.
so far yours is my favorite review so honest and oh so true.
In fairness, kahit hindi ko siya napanuod sa sine, pinagtiyagaan kong panuorin un sa dvd sa maliit na screen at sabog na tunog ng laptop. Ganunpaman, umiyak ako, humikbi at natuwa sa makatotohanang kinalabasan ng istorya. Wagi. Tama ka. =)
Post a Comment