Monday, September 12, 2011

the old maid and the man who is not as amazing as he believes he is

para sa taong itatago na lang natin sa pangalang jo-bro,

hindi po ako nakatitig sa telepono ko at naghihintay lamang ng mga text at tawag mo. may buhay din ako, at masaya ang buhay ko kahit wala ko.

hindi din po ako libre para na lang lumabas tuwing mag-aaya ka. at kahit libre ako, hindi din ibig sabihin na pipiliin kong makasama ka. malay mo, mas interesting pang bilangin ang agiw sa bubong ng bahay ko.

hindi porke wala akong boyfriend ay gusto kong makipag-date sayo. ito na lang isipin mo -- kung si pilot nga na sukdulan ang kagwapuhan, hindi ko pinapansin ang mga text at tawag paminsan, ikaw pa kaya.

at kahit na naka mazda 3 ka na isa sa mga pinakagusto kong kotse sa lansangan, ibig sabihin winner ka na. yung kotse mo, winner; ikaw, may-ari lang ng winner na kotse. higit na madami akong kilalang naka-mazda 3 na mabait, magalang, at di mo kasing yabang.

kaya kung natarayan kita kahapon, wag ka na magtaka. ikaw ang nagpumilit pumunta, ikaw ang late dumating, at ikaw ang kung umasta ay parang hulog ka ng langit sa mga kababaihan. dahil ayaw naman talaga kitang pumunta, at ayaw ko ng late, and di ka hulog ng langit sa mga kababaihan, siguro maiintindihan mo na kung bakit ganun kalamig ang pagbati ko sayo.

malay mo, pag talagang last trip na, at ikaw na lang ang lalaki sa buong mundo, mag-bago din ang isip ko. pero, now that i've thought about it, hindi din.

0 said hello!:

Related Posts with Thumbnails